WHAT IS THE STOCK MARKET? - Engineer By Profession, Businessman in Practice - Wil's Practical Guide to Financial Freedom
 
To further understand this, Ginawa ko po itong Question and Answer portion
I am making this blog section para po sa mga Pinoy na gustong matuto  o malaman kung ano ang meron dito at upang magkaroon tayo ng ibang lugar upang ilagak ang ating pera.

Ano nga ba ang Stock Market?
Marahil ay karamihan sa ating mga Pinoy ay kakaunti o sa totoo lang ay walang ideya kung ano po ito
Ang stock market ng Pilipinas ay ang PSE (Philippine Stock Exchange)
Sa tagalog ito ay tinatawag na "Pamilihang Sapi ng Pilipinas" pansinin ninyo ang salitang Sapi,..... ibig sabihin nito ang PSE ay binubuo ng maraming kasapi. At ito ay ang mga investors o mga namumuhunan

Sa madaling salita, ang stock market ay isang lugar kung saan ang mga investors (namumuhunan) ay nagkakatipon tipon upang bumili at magbenta ng shares

Ano ang Shares?
Ang shares ay part o "bahagi ng pagmamay-ari"  or ownership ng isang kumpanya. Ito ang binebenta at binibili ng mga investors sa stock market.

Sino-sino ang mga namumuhunan sa Stock Market?
Mga kumpanyang nangangailangan ng dagdag puhunan para sa pag papalago ng negosyo. Ilan dito ay ang malalaking kumpanya sa ating bansa katulad ng MERALCO, AYALA CORPORATION, SM, JOLLIBEE, BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS at marami pang iba.

Paano nakaka sali sa stock market?
Ang isang trader/ o investor na gustong sumali sa stock market ay kailangan maghanap ng broker o "trading participant" para makapag bili o benta tayo ng shares. Sila ang nagsisilbing tulay sa atin sa PSE at sa kapwa investor.

Paano gumagana ang kalakaran ng stock market?
Para mas madali maintindihan tignan ninyo po ito.....

Process ng pagbili ng shares

BUYING INVESTOR ------> BROKER 1 ------> PSE
1. Buying investors post the order via the broker
2.The Broker1 then posts the order via the PSE
3.PSE then posts the buy order para makita ng lahat


Process ng pagbenta ng shares

SELLING INVESTOR ------> BROKER 2------> PSE
1. Selling investors post the order via the broker
2.The Broker2 then posts the order via the PSE
3.PSE then posts the sell order para makita ng lahat


Paano kumikita sa Stock Market?
1. Through Capital Appreciation (Pag tumataas ang halaga ng shares mo)
2. Dividends (binibigay ng kumpanya kung may hawak ka na shares nito)

Legal po ba ito?
Opo. Ang mga kumpanya na nakalista sa PSE ay laging nag bibigay ng ulat sa kani-kanilang kumpanya (Quarterly, Bi-Monthly or Annual reports) para makita ng lahat ng investors. Minomonitor din ito ng PSE at SEC (Securities and Exchanges Commission) kung may irregularidad na nangyayari o wala.

May Risk po ba dito?
Just like any other investment, Meron po. But with proper financial education. Mababawasan po ito and better yet, magiging productive ang mga investments nyo po

Well there you have it, other important infos can be found on the official PSE Website

Official PSE Website
10/25/2012 03:05:25 am

First of all let me tell you, you have got a great blog. I am interested in looking for more of such topics and would like to have further information. Hope to see the next blog soon.

Reply
1/4/2013 03:44:37 am

I really congratulate you for creating such an impressive blog. Thank you for your valuable discussion on stock market.

Reply



Leave a Reply.