Usapang DIBIDENDO (DIVIDEND TALKS) - Engineer By Profession, Businessman in Practice - Wil's Practical Guide to Financial Freedom
 

Ang gusto ko naman ibahagi sa inyo ay ang term ng DIVIDENDS o DIBIDENDO

Isa ito sa paraan kung saan ang mga investors ay kumikita sa STOCK MARKET

Ang sabi ni Wikipedia,

Dividends are payments made by a corporation to its shareholder members.


Sa madaling salita, ang isang kumpanya na nagbigay ng dibidendo ay REQUIRED ibigay ang BAHAGI ng Kanyang PERA o KITA sa mga namuhunan na sa kanya

MAS malaki ang puhunan o SHARES OF STOCK ng isang investor, mas malaki ang makukuha nya


Itong post na ito ay ginawa ko upang magsilbing gabay sa mga COMMON o kadalasang katanungan tungkol sa pagbibigay ng dibidendo ng mga kumpanyang kasapi sa PHILIPPINE STOCK EXCHANGE.

QUESTION 1:
Ano - an0 ang mga kailangan upang ikaw ay mabigyan ng dividend ng isang kumpanya???
- Ang isang investor ay dapat may hawak na SHARES o bahagi ng isang kumpanyang nagdeklara ng dividends hanggang sa itinakdang panahon o mas kilala sa tinatawag na X-DATE


QUESTION 2:
Ano ang X-DATE???
Ang X-DATE ang araw kung saan pwede mo na ibenta ang shares mo dahil QUALIFIED ka na makuha ito

HALIMBAWA:

Si company A ay nagsabi na magbibigay siya ng dividend,
ang X-date ay sa 5/30/2012

Ibig sabihin ako ay dapat may hawak na shares ni company A hanggang sa 5/29/2012

Pag ikaw ay bumili sa 5/30/2012 hindi ka QUALIFIED makuha ang dividend


QUESTION 3:
Ano  - ano ang uri ng mga dividends sa STOCK MARKET???

Sa aking karanasan, masasabi kong may tatlong URI ng DIVIDENDS SA STOCK MARKET
Ito ay ang mga sumusunod:

CASH DIVIDEND - Ang isang kumpanya ang magbibigay ng PERA/CASH base sa hawak mong shares

Halimbawa:
Si MEG (Megaworld Corp.) ay nagbigay ng cash dividend na 0.02PHP sa kada share

Kung ang isang investor ay may Hawak na 10,000 shares ng MEG
= meron siyang 200PHP na cash dividend

Kung ang isang investor ay may Hawak na 20,000 shares ng MEG = meron siyang 400PHP na cash dividend

...............and so on and so forth

Conditions:
May 10% na tax na binabawas
Ibig sabihin sa 200PHP na kita mo, 180PHP ang sa iyo at 20PHP ang sa gobyerno
Ibig sabihin sa 400PHP na kita mo, 360PHP ang sa iyo at 40PHP ang sa gobyerno


STOCK DIVIDEND - Ang isang kumpanya ay magbibigay ng ADDITIONAL/KARAGDAGANG shares base sa PORSYENTO ng hawak mo

Halibawa:
Si FGEN (First Gen Corp.) ay nagdekalara ng 10% stock dividend

Ibig sabihin, kung may 100 shares ka ng FGEN, bibigyan ka ng kumpanya ng karagdagang 10 shares (110 shares na ang hawak mo ngayon!)

Ibig sabihin, kung may 500 shares ka ng FGEN, bibigyan ka ng kumpanya ng karagdagang 50 shares (550 shares na ang hawak mo ngayon!)

Conditions:
After ng XDATE, ay magkakaroon ng DECLINE o matinding PAGBABA ng stock price

(Base on my experience nung bumili ako ng stock dividend ng isang company, mula sa 16PHP, ito ay bumaba up to 9PHP)

Ito ay nangyayari dahil dumami ang shares na hawak ng mga investors

PROPERTY DIVIDEND - Property dividends are paid out in the form of products or services provided by the corporation.

Ito ang masasabi kong isang RARE type o pinaka bihira mangyari.

I personally didn't experience this one

Question 4:
Gaano kadalas binibigay ang mga dividends???

Ito ay depende sa napagkasunduan ng mataas na opisyal ng kumpanya
Ito ay napapag usapan sa Kanilang SHARE HOLDERS meeting na ginagawa taon-taon

(Based form experience, most companies give dividends annually,
ex. SCC,MPI,MEG

others semi annual,
ex. TEL

others quarterly
ex. EEI)

Question 5:
Lagi bang nagbibigay ng dividends on a regular basis???

Ito ay depende din sa mga napag usapang ng mga matataaas na opisyal ng kumpanya

(Based on experience, stable companies blue chips namely, give dividends on ALMOST a regular basis)

Question 5:
Sigurado ba ang payout nito???

Opo, ito ay dumadatin sa itinakda nilang PAYABLE DATE

(Based on experience, in rare cases they give it in advance, sometimes one or two days delayed the most)

There you have it
I hope you learned something

If there are any additional questions, feel free to comment =)

9/9/2014 05:51:48 am

Hi interesado po aq sa PSE sino pwedi makatulong sken salamat po sa sasagot.

Reply
5/5/2016 02:57:21 pm

Thanks for all the enthusiasm to offer such helpful information here however it proved to be Very helpful to me thank for sharing ...

Reply
reyvie
8/3/2016 09:41:23 pm

ano po ba ang halimbawa ng property dividend

Reply



Leave a Reply.