Timing/Charting The Market (Short Overview of Technical Analysis) - Engineer By Profession, Businessman in Practice - Wil's Practical Guide to Financial Freedom
 
Ngayon papakita ko sa inyo ang "TECHNICAL SIDE" ng stock market

Kung titignan ninyo kasi mabuti

STOCK MARKET IS A SCIENCE

Ibig sabihin kung gagawan mo ng pag-aaral ang stock market, mapapansin  mo na iisa lang ang MAJOR FACTOR sa paggalaw nito

Ito ay ang PRICE

"EVERYTHING IS DETERMINED BY PRICE, AND PEOPLE BUY OR SELL SHARES IF THE PRICE IS RIGHT"


Ito ay contradictory, o isang "KABALINTUNAAN" kung ihahalintulad sa Fundamental Analysis na aking pinakita nuong mga nakaraang araw


Ito ang naging dahilan ng pagbuo ng Pag-aaral ng "Technical Analysis"


So ANU NGA BA ANG TECHNICAL ANALYSIS???

ITO AY ANG PAG-AARAL NG STOCK MARKET, GAMIT ANG CHARTS GRAPHS AT MATHEMATICAL METHODS UPANG MA-TIMINGAN ANG STOCK MARKET

Kumpara sa Fundamental Analysis na nagseset ng TARGET PRICE sa isang kumpanya

Ang technical Analysis ay walang LIMIT na binibigay,


Bagkus ginagamit nya ang charts upang makita ang OVERALL TREND NG ISANG STOCK
AT KUNG KAILAN ANG ISANG INVESTOR AY PAPASOK O LALABAS SA ISANG TRADE


Sa technical analysis, Importante na malaman ang trend ng isang stock

Ang Trend ay ang "overall direction" o ang kabuuang paggalaw ng presyo ng isang stock o security.


MAY TATLONG URI NG TRENDS:

UP TREND
DOWN TREND
AT ANG SIDEWAYS TREND
Kung inyong Mapapansin, may mga linya na nagsisibling
Reference o gabay sa paggalaw ng presyo ng isang stock.

Ito ay Tinatawag na "trend lines"

Ang TREND LINES ay ginagamit ng mga traders upang maTANTYA o mahusgahan ang POSIBLENG patutunguhan ng presyo ng isang stock o security

ITO rin ay nagsisilbing gabay upang malaman kung ano ang OVERALL na TREND NG ISANG STOCK

Malalaman din ng isang trader ang mga possible SUPPORT at RESISTANCE POINTS NG ISANG STOCK.


HMMMM..... PAANO GINAGAWA ANG ISANG TREND LINE???
YAN ANG TATALAKAYIN KO SA SUSUNOD
AT THE SAME TIME
AY  ibabahagi sa inyo ay ang importansya ng SUPPORT at RESISTANCE POINTS

Till my Next Post
I hope you learned something
5/17/2016 01:23:19 pm

All contents were expressed in a clear n simplified manner n it was meaningful too. You are a marvelous writer. Good work!

Reply



Leave a Reply.