How People Choose Their Stocks??? - Engineer By Profession, Businessman in Practice - Wil's Practical Guide to Financial Freedom
 
Ngayon siguro may ideya na kayo kung Paano gumagana ang Stock Market.  Make sure na nabasa nyo ung introduction ko (What is the Stock Market?) para mas madali ninyo maunawaan.


Katulad ng nabanggit ko dati, madaming "Companies" o kumpanya ang nag iinvest o namumuhunan sa stock market


Sa setting pa lang ng ating Stock market (Philippine Stock Exchange) halos 200 mahigit na kumpanya ang pwede mo pag pilian. Karamihan dito ay FILIPINO companies o pilipino ang may ari, at may mga FOREIGN companies din.


Sa madaling salita, ang hirap mag decide kung saan at kung ano ang stock ang bibilihin at ibebenta mo.
Kaya para sa mga kakaunti o alang alam tungkol sa stock market. Iniisip nila itong isang sugal o gamble.


NGUNIT. PARA SA MGA MAY KARANASAN NA O MG DALUBHASA SA LARANGAN NA ITO, SILA AY MAY TINUTURO NA PARAAN UPANG MAKAPILI TAYO NG MG MAGAGANDA NA KUMPANYA KUNG SAAN NATIN MAIINVEST NG MAAYOS ANG ATING PERA

May dalawang sangay ito

1. FUNDAMENTAL ANALYSIS

2. TECHNICAL ANALYSIS



Alam ko na malalim na kwentuhan ito, Don't Worry, Ipapaliwanag ko ito ng simple sa abot ng makakaya ko. Para sa mga katanungan, maari kayo mag comment sa ibaba =)

SO LET'S  START UUNAHIN KO MUNA ANG
FUNDAMENTAL ANALYSIS


FUNDAMENTAL ANALYSIS:
Ito ay paraan ng pagpili ng isang kumpanya base sa kanyang records.
Ito ay tinuturing na CLASSICAL o makaluma dahil ito ang unang uri ng ANALYSIS simula na nagstart ang kasaysayan ng  STOCK MARKET.
Ang isang namumuhunan (Investor) ay susuriin o aaralin ang kabuuan ng kumpanya.  Ilan sa mga bagay na tinitignan ay:

Kita ng Kumpanya
Dami ng Ari-arian (assets)
Potential Market (Mga mamimili)
Kasulukuyang mga proyekto
Innovations (Kung ano ang bago sa kanya)
Mga taong nagpapalakad nito
Mga balita tungkol sa kumpanya
Ekonomiya ng Bansa

at marami pang iba...

Dito sa mga bagay na ito, nakkwenta ng mga investors ang "Fair Value" o ang nakikita nilang Tamang Halaga ng isang kumpanya.

Kung mas mababa ang Halaga ng Kumpanya ngayon kumpara sa "Fair Value" nito, masasabing MURA o discounted ito

HALIMBAWA:

Ang halaga ng Company A ay 1PHP per share
Ngunit nung ginawa ang FUNDAMENTAL ANALYSIS, nakwenta na ang kabuuang halaga ng kumpanya sa Ngayon ay tinatayang umaabot 2PHP per share

Ibig sabihin si Company A ay UNDERVALUED o DISCOUNTED!

At may chance na umakyat ang halaga nito ng 2PHP/share
at kumita ka ng 1PHP/share


Ngunit aabutin kayo ng siyam-siyam kung gagawin ninyo itong paraan na ito
Dahil sa katotohanang kailangan mag laan ka ng oras na kausapin ang mga taong nagpapalakad nito.

Ang isa pang problema ay hindi basta-basta pinapakita ang mga impormasyon na ito sa madla.

Kaya dito pumapasok ang ating mga BROKER!



Ang broker kadalasan ang gumagawa ng FUNDAMENTAL ANALYSIS
at sila ang nagbibigay ng "Fair Value" ng isang kumpanya.

Lagin nating tatandaan na ang "Fair Value" ay isang perceived amount o isang ESTIMATE o PAGTANTYA lamang.


Kaya na sa atin padin ang huling desisyon kung mag iinvest tayo sa isang kumpanya base sa impormasyon na nakukuha natin.


Susunod na tatalakayin ko ang ang Technical Analysis kung saan ang Investor ay gumagamit ng "Charts" para makapili ng mga kumpanyang kanyang papasukin sa stock market.

TILL MY NEXT POST
Rene Lopez
3/6/2014 05:40:44 am

1 Corp. inviting me to be a part owner, meron kasi silang tinanggal na part owner, na may alam tungkol sa negosyo nila. Kung ibibigay ko ang serbisyong technical sa negosyo, pwede ba akong makipag deal sa mga may ari, na kailangang pasweldohin nila ako ayon sa serbisyong ibibigay ko at mga idea o consultasyon ko sa Co.? pwede ba akong humingi ng benepisyo like 13month, flexible time,vacation or sick leave sss,pagibig and philhealth at i provide nila ako ng Co. Service or Co. Car na sasagutin ng Co. ang full insurance ng Auto. Aside from that magkano ang minimum or maximum na pwede ko i share as part owner. pwede ba akong makakuha ng dividendo. pwede rin ba ako tumanggap ng commission base sa sales ng kumpanya, dahil nakasalalay sa aking technical skills ang paglago ng Kumpanya? Sana mabigyan nyo ng malinaw na kasagutan at magandang suhestyon o idea ang aking mga concern, Maraming salamat umaasa ako sa mabilis ninyong sagot sa ibinigay kong email address. God Bless You More and more in every way!

Reply
2/17/2016 10:46:27 am

Hey that is a really good post about the real estate market, would love to share it with friends.

Reply



Leave a Reply.